Patay ang isang 35-anyos na security guard sa isang resort sa Sitio Hulo, Barangay Calayo, Batangas noong Sabado, Hulyo 22.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Carlo Lara.
Ayon sa imbestigasyon, nagpapahinga ang biktima nang dumating ang suspek na si Mervin Bautista, residente ng Barangay Looc, Batangas at biglang pinagbabaril si Lara.
Dead on the spot si Lara habang nakatakas ang suspek bitbit ang baril.
Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng kalibre .45.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang otoridad laban sa suspek. (Anna Gob)