
Patay ang isang 67-anyos na senior citizen matapos malunod sa dagat na sakop ng Brgy. Quilitisan, Calatagan, Batangas kamakailan.
Ayon sa imbestigasyon ng Calatagan Municipal Police Station, mangingisda umano ang biktimang si Flaviano Bautista kasama ang kaniyang manugang na si Loreto Palo nang madulas ito sa sinasakyang bangka.
Agad na gumawa ng paraan si Palo upang masagip ang kanyang biyenan ngunit nang itakbo ito sa ospital ay idineklarang dead on arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.