
Inaresto ng pulisya ang tatlong hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group sa Laguna noong Sabado ng umaga, Hulyo 29.
Kinilala ni Laguna Police Chief Police Col. Harold Depositar ang mga suspek na sina Allan Laurenciano Guevarra, 45 anyos, Edwin Prestado, 54 at Jonathan Arante, 68 anyos.
Inihain ng pulisya ng search warrant para sa paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
Nasamsam sa mga suspek ang iba’t ibang high-powered firearms.
Sina Guevarra at Prestado ay nahuli sa pamamagitan ng warrant of arrest habang si Arante ay nahuli sa aktong pagdadala ng 12-gauge shotgun.
Narekober sa mga suspek ang apat na kalibre ng .38 revolver, dalawang M16 rifle, tatlong 12-gauge shotgun, tatlong kalibre ng .22, isang Beretta 9mm, Uzi sub-machine gun, isang kalibre .357, at mga bala.
Ang mga warrant of arrest ay inisyu ni Judge Agrifino Bravo, Executive Judge, 4th Judicial Region ng Lucena City. (Anna Gob)
Laguna PNP